FREEDOM
OF INFORMATION BILL
(Panukalang-batas sa kalayaan ng impormasyon)
Dapat
nga bang ipasa ang isinusulong sa kongreso na “Freedom of Information Bill”?
Sino nga ba talaga ang siyang mas makikinabang nito, ang mga taong bayan ba
talaga? Malimit ang mga katanungang iyan ang umiikot sa aking diwa ngunit,
pilit kong niyayabag ang mga bakas papunta sa karunungan ng may maisagot naman ako sa aking mga katanungan.
Ano ang freedom of information bill kapag ito
ay ating isinalin sa wikang Filipino ito ay ang panukalang-batas
sa kalayaan ng impormasyon nangangahulugang pagkakaroon ng kalayaan sa
impormasyon o pagsasapubliko ng lahat ng mga dokumento na may kaugnayan sa lahat
ng proyekto ng pamahalaan at pagsasapubliko na din ng lahat ng opisyal at
empleyado ng pamahalaan sa kanilang SALN (Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth). Ito na
daw marahil ang magiging daan upang masungpo ang katiwalian sa bansa at
maisulong ng tama ang tuwid na daan. Dahil ayon sa mga datos isa sa mga
nagungunang bansa ang Pilipinas sa larangan ng kurapsyon. Kung ating iisipin
ang dahilan ng ganitong suliranin ay masasabi kong walang takot ang mga
opisyales ng pamahalaan sa ganitong gawain. Ito ay sa dahilang walang batas sa ating konstitusyon na
nagsasabing may karapatan ang mga mamamayan ng Pilipinas na makita ng personal
ang mga katibayan tulad ng mga dokumento
na nagsasaad ng kalakaran sa gobyerno tulad ng malalaking proyekto na nagmumula
sa mga buwis na binabayad ng taong bayan. Siguro ay napapanahon ng maisabatas
ito upang ang mga mamamayang Pilipino ang siyang tunay na mas makinabang sa mga
buwis na kanila binabayad at nang sa ganoon ay magkaroon ng pagkakataon na
maiangat kahit kaunti ang buhay ng mga Pilipino at pati na rin ng bansang
Pilipinas.
Bilang mga mamamayan ng Pilipinas ay dapat na
magkaroon tayo ng pakialam sa mga nangyayari sa ating kapaligiran lalo’t higit
sa ating pamahalaan. Alam nating lahat tayyo ay may karapatan ngunit ang
karapatang ito ay may limitasyon at may matinding kaakibat na resposibilidad.
Kaya nasa sa ating mga kamay nakasalaylay kung papaano natin tututulan o
susuportahang maisabatas ang ganitong panukalang-batas. Subalit kailangan
nating siguraduhin na tayo mismong mga mamamayang Pilipino ang siyang makinabang dito.