Linggo, Setyembre 30, 2012

My first post in my blog (malayang anyo)


MALAYANG ANYO
Deoven E. Javier

Isa lamang ang aking utak at puso,
Ngunit dalawa ang aking kamay.
Kamay na magtatahi ng bawat salitang,
Binubulong nitong isip at nadarama nitong puso.

Utak na ga-langgam lamang ang alam,
Sa mga panitikang napakahirap maunawaan.
Pusong walang pagmamahal sa paghahabi,
Nitong bawat salitang may kabuluhan.

Bulag ako sa mga malalalim na salita,
Kaya’t patuloy ko itong kinapa sa antigong banga.
Pati na rin sa pinakamatandang talatinigan,
Upang malagyan lamang ng katuturan itong akda.

Mahirap lapatan ng konsepto ang walang anyo,
Tila nakahubad ako sa gitna ng milyong katao.
Na manglalait at manghuhusga sa aking kakayahan,
Dahil walang saplot ang tulang sa’kin ay nagmula.


.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento