Linggo, Setyembre 30, 2012

FREEDOM OF INFORMATION BILL (Panukalang-batas sa kalayaan ng impormasyon)



FREEDOM OF INFORMATION BILL
(Panukalang-batas sa kalayaan ng impormasyon)

Dapat nga bang ipasa ang isinusulong sa kongreso na “Freedom of Information Bill”? Sino nga ba talaga ang siyang mas makikinabang nito, ang mga taong bayan ba talaga? Malimit ang mga katanungang iyan ang umiikot sa aking diwa ngunit, pilit kong niyayabag ang mga bakas papunta sa karunungan ng may maisagot naman  ako sa aking mga katanungan.
Ano ang freedom of information bill kapag ito ay ating isinalin sa wikang Filipino ito ay ang panukalang-batas sa kalayaan ng impormasyon nangangahulugang pagkakaroon ng kalayaan sa impormasyon o pagsasapubliko ng lahat ng mga dokumento na may kaugnayan sa lahat ng proyekto ng pamahalaan at pagsasapubliko na din ng lahat ng opisyal at empleyado ng pamahalaan sa kanilang SALN (Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth). Ito na daw marahil ang magiging daan upang masungpo ang katiwalian sa bansa at maisulong ng tama ang tuwid na daan. Dahil ayon sa mga datos isa sa mga nagungunang bansa ang Pilipinas sa larangan ng kurapsyon. Kung ating iisipin ang dahilan ng ganitong suliranin ay masasabi kong walang takot ang mga opisyales ng pamahalaan sa ganitong gawain. Ito ay  sa dahilang  walang batas sa ating konstitusyon na nagsasabing may karapatan ang mga mamamayan ng Pilipinas na makita ng personal ang  mga katibayan tulad ng mga dokumento na nagsasaad ng kalakaran sa gobyerno tulad ng malalaking proyekto na nagmumula sa mga buwis na binabayad ng taong bayan. Siguro ay napapanahon ng maisabatas ito upang ang mga mamamayang Pilipino ang siyang tunay na mas makinabang sa mga buwis na kanila binabayad at nang sa ganoon ay magkaroon ng pagkakataon na maiangat kahit kaunti ang buhay ng mga Pilipino at pati na rin ng bansang Pilipinas.
Bilang mga mamamayan ng Pilipinas ay dapat na magkaroon tayo ng pakialam sa mga nangyayari sa ating kapaligiran lalo’t higit sa ating pamahalaan. Alam nating lahat tayyo ay may karapatan ngunit ang karapatang ito ay may limitasyon at may matinding kaakibat na resposibilidad. Kaya nasa sa ating mga kamay nakasalaylay kung papaano natin tututulan o susuportahang maisabatas ang ganitong panukalang-batas. Subalit kailangan nating siguraduhin na tayo mismong mga mamamayang Pilipino ang  siyang makinabang dito.

2 komento: