Linggo, Agosto 10, 2014

"KAROLING"

Lahat nakaabang sa araw na itinakda. 
Ang pagsilang ni Jesus talagang pinag-adya. 
Ang bawat tahanan ay may liwanag at ningning. 
Handang tanggapin, awit ng haring may halinghing. 



Mga batang paslit sa bayan ay nagsama-sama. 
Dala lamang ay patpat at piraso ng lata. 
Mumunting anghel ay biglang nag-awitang sigla.
Malakas pahiyaw tila tinig ay palaka.


Lahat ng bahay na may dekorasyong pamasko.
Tiyak na hihingian ng pusong aguinaldo.
Sa kanilang pagdating ihanda na ang grasya.
Awiting inalay ay may kapalit na barya.


Magbigay ka na kahit na isang pisong barya.
Mahiya ka man lamang sa awit ng palaka.
Wag lamang patawad, tiyak ihanda ang tenga.
Sa katagang ang babarat ninyo thank you.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento